» » Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal

Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal

Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal
Category:
Title: Buhay at Mga Ginawâ ni Dr. José Rizal
Release Date: 2006-04-29
Type book: Text
Copyright Status: Public domain in the USA.
Date added: 25 March 2019
Count views: 13
Read book
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 ... 22

Transcriber's note: This work forms part of the Tagalog translationof Noli Me Tangere (1909) by Pascual Poblete which is being presentedseparately in this edition.

Paalala ng nagsalin: Ang kathang ito ni Pascual Poblete ay pasimulasa isinalin na Noli Me Tangere (1909) sa Tagalog na ibinukod sa edisyong ito.


Cover image

BUHAY AT MG̃A GINAWÂ

NI

DR. JOSÉ RIZAL

NA SINULAT

NI

PASCUAL H. POBLETE

AT IPINALIMBAG NI

G. NENENG RIZAL

KAPATID NA PAÑGANAY NI

DR. JOSÉ RIZAL

May kalakip na maraming larawan.


LARAWAN


Dr. José Rizal

[I]

Decorative motif

José Protasio Rizal Mercado

Maicling casaysan nang canyang buhay

Ipinang̃anac si Gat Jose Protasio Rizal Mercado, sa báyan ng̃Calambâ, sacóp ng̃ lalawigang Laguna, ng̃ ikalabing siyam ng̃ Juniong̃ taóng sanglibo walóng dáan animnapo't isá.

Si G. Francisco Rizal Mercado ang canyáng amá at si G. Teodora Alonsoat Quintos ang canyáng iná.

Ipinang̃anac si G. Francisco Rizal Mercado at Alejandra ng̃ taóng1811, sa Binyáng, Laguna, at namatáy sa Maynila ng̃ ica 5 ng̃ Enerong̃ 1898, at si G. Teodora Alonso ay ipinang̃anac sa Meisic, sacóp ng̃Tundó, Maynila, ng̃ taóng 1825 at nabubuhay hanga ng̃ayón (8 ng̃ Juniong̃ 1909). Si G. Francisco Mercado ay nag-aral at marunong ng̃ wicangcastila at wicang latín, at si G. Teodora Alonso ay nag-aral sacolegio ng̃ Santa Rosa at marunong ng̃ wicang castila.

Ang naguíng mg̃a anác ng̃ mag-asawang ito'y si na guinoong Saturnina,Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucía, María, Concepción, Jose, Josefa,Trinidad at Soledad.

Bininyagan si Jose Rizal ng̃ araw ng̃ sábado, icadalawampo'tdalawa ng̃ Junio ng̃ 1861. Si G. Rufino Collantes, páring clérigo atcura-párroco sa bayang Calambâ ang sa canyá'y nagbinyag, at si G.Pedro Casañas, páring clérigo at tubô sa Calambâ, ang sa canyá'ynag-anác sa binyág. Capowa namatáy na ang dalawang páring itó.

Pinang̃alanang Jose, dahil sa ang iná ng̃ Doctor Rizal aynamimintacasi sa Patriarca San José, at ang pang̃alawang pang̃alangProtasio ay dahil sa caarawán ng̃ Santong itó, alinsunod sacalendario, ng̃ siyá'y ipang̃anác.

Hindi dating tagláy ng̃ amá at ng̃ mg̃a capatíd ng̃ amá ng̃ atingDoctor ang apellidong Rizal. Pinasimulaang guinamit angapellidong Rizal ng̃ mag-aral ang batang si Jose,upang siyá'y macaligtas sa mahigpit na pag uusig ng̃ mg̃a fraile samg̃a nag-aapellidong Mercado.

Wicang castila ang apellidong Rizal, na ang cahulugán sawicang tagalog ay ang muling pag-supang ó pag-ulbós ng̃ pinutol nahalaman ó damó. May isá pang cahulugán; ang lupang may pananím na anómang damóng pacain sa mg̃a háyop.

Pagdatíng sa icatlóng taón ng̃ gulang ng̃ musmós na si JoseRizal ay tinuruan na siyá ng̃ canyáng amá't iná ng̃ pagbasa.Napagkilala ng̃ madla ang cagaling̃an niyáng tumulâ ng̃ wawalóng taónpa lamang ang canyáng gulang, dahil sa isáng marikít na tuláng canyángkinathà, na tinakhán ng̃ lahát ng̃ mg̃a manunulang tagalog salalawigang Silang̃an.[1]

G. Francisco Rizal Mercado Ama ng Dr. JoseRizal. Imp de M. Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.

Sa pagcakilala ng̃ amá't iná ni Jose Rizal [II]ng̃ catalasan ng̃isip at malaking hilig ng̃ caniláng anác na itó sa pag-aaral, canilángdinalá siya sa Maynila, itinirá sa isang bahay sa daang Cabildo, loobng̃ Maynila; at ipinasoc ng̃ taóng 1871 sa Ateneo Municipal, napinang̃angasiwaan ng̃ mg̃a páring jesuita.

Nakilala ni Jose Rizal sa bahay ni pari Burgos si na pareDandan, Lara at Mendoza na pawang dinakip at ipinatapon sa Marianasng̃ gobierno ng̃ España, at gayon din si parì Gomez at si pari Zamora,na ipinabitay ng̃ Gobierno ring iyong casama si párì Burgos, na angnaguing sangcala'y ang panghihimagsic ng̃ mg̃a manggagawâ sa Arsenalng̃ Tang̃uay ng̃ 1872. Sumasabudhì ng̃ madlâ ang mg̃a calupitángdito'y guinágawâ ng̃ mg̃a panahóng iyón. Ipinabilángo, ipinatapon óipinabitay bawa't filipinong numiningning dahil sa tálas ng̃ isip atsa pagsasangalang sa mg̃a catwiran ng̃ lupang kináguisnan. Ang mg̃anangyaring itó'y nalimbag sa damdamin ng̃ batang si JoseRizal.

Lumipat itó ng̃ pagtirá sa Ateneo Municipal at ng̃ naroon na'y tilamandín lálo pang náragdagan ang canyáng sipag sa pag-aaral atcabaitang puspós ng̃ ugalì. Ang naguing maestro niyá'y ang mg̃ajesuitang si parì Cándido Bech at si parì Francisco Sánchez.

Cung ipinamamanglaw ng̃ batang si Jose Rizal ang nakitaniyáng pag-amis sa catwiran ng̃ canyang mg̃a caláhì ay lalo ng̃dinaramdam niyá, ang mg̃a sabihanan ng̃ mg̃a fraileng madalás niyangmarinig sa Ateneo Municipal na di umano'y mataas ang caisipan ng̃táong culay maputi cay sa táong culay caymanguí, madiláw, abóabó ómaitím, bagay na pinagpilitan niyáng siyasatin mulâ noon, cung totoong̃â, sapagca't inaacála niyáng lihís sa catowiran ang gayóngpagpapalagáy. Napagtalastas ng̃ madlâ ang ganitóng paghahacahácà niJose Rizal, dahil sa isáng casulatang inilathalà ng̃ pantásna si Herr Ferdinand Blumentritt sa icasampung tomo ng̃Internationales Archiv fiur Ethnographie, ng̃ 1897, na ganitó angsaysay:

"Sinabi ni Rizal, na maliit pa siya'y malaki ng̃ totoo angcanyang pagdaramdam, dahil sa nakikita niyang sa canya'y pagpapawalanghalagá ng̃ mg̃a castilà, dáhil lámang sa siya'y indio[2] Magbuhatniyao'y pinagsicapan niyang pacasiyasatin cung alín ang catwíran ócadahilanang pinagsasandigan ng̃ mg̃a castila at ng̃ lahat ng̃ mg̃atáong may mapuputing balát upang ipalagáy nilang sila'y matatáas angísip cay sa mg̃a táong cawang̃is din nila ang anyô, at taglay ang cáyaupang dumúnong at magtamó ng̃ capangyarihang gaya rin nilá.

"Ipinalálagay ng̃ mg̃a tagá Europang silá ang pang̃inoon ng̃ bóongdaigdig: sa acalà nila'y silá ang tang̃ing nagtâtaglay ng̃ pagsúlongsa dúnong at sa mg̃a magagandang caugalian, at silá lamang ang táng̃ìat dalisay na liping homo sapiens,[3] samantalang ipinalálagaynilang ang mg̃a ibang lahi ay mababa ang pag-iísip, ang guinagamit nawica'y dukhâ at walang caya upang macuha ang dunong ng̃ mg̃a tagaEuropa, ano pa't ang mg̃a lahing may culay caymangui, itím, diláw óabo-abó ay isá sa pascacaiba't ibang anyô ng̃ homo brutus.[4]

"Nang magcágayo'y itinátanong ni Rizal sa sarili; ¿totoo ng̃acayâ ang mg̃a pinatitibayan nilang ito? Ang tanóng na ito ang totoonglaguing sumasaísip niya mulâ pa sa panahong siya'y nag-aaral, at dilamang sa canya cung di naman sa mg̃a cápowà niyáng nag-aaral na mg̃ataga Europa. Hindi nalao't canyang nápagmasid sa colegio na walangpinagcacaibhan ng̃ pag-iisip ng̃ isa't isá, [sa macatowid baga'y ng̃pag-iisip ng̃ táong maputi ang balát at ng̃ táong caymangui.]Caraniwang lubha ang pagcacápantay ng̃ mg̃a puti at ng̃ mg̃a indio:sa isa't isang panig ay may nakikitang mg̃a tamád at masisipag,mápag-sákit sa pag-aaral at matamarin sa pag-aaral, matálas angpag-iísip at mapuról ang pag-iísip; sa cawacasan ... wala siyangnakikitang ikinahíhiguit ng̃ mg̃a mapuputíng nag-aaral at gayon dinng̃ mg̃a may cúlay caymangui. Pinagsiyasat niya ang mg̃a dunong nanauucol sa mg̃a láhi; natotowa[III] siyá pagca nangyayaring dahil sa isangpaláisipang may cahirapang ibiníbigay ng̃ profesor ay hindîmátuclasang gawín ng̃ canyang mg̃a casamahang mapuputî, at sila'ynang̃agsisilapit sa canyá upang canyáng gawín cung papaano. Canyangpinagdidilidili at itinututol ang lahat ng̃ itó, hindi dáhil sa isángpagtatagumpay niyang sarili, cung di dahil sa isáng pagtatagumpay ng̃canyáng mg̃a cababayan. Dahil dito'y sa colegio ng̃a nagpasimulâ angcanyáng paniniwálang nagcácapantay ang ísip at cáya ng̃ mg̃a europeoat ng̃ mg̃a indio sa paggawa ng̃ ano mang bagay. At sa lahat ng̃ito'y napagtalacayan niyang magcacapantay ang catutubong isip ng̃europeo at ng̃ indio.

"Ang unang pinacabúng̃a ng̃ napagtalacayang itó ay ang pagcapagbalacni Rizal, na cung mapag-unawa sana ng̃ canyang mg̃acababayan, na cawang̃is ng̃ canyáng pagcaunawa, angpagcacapantaypantay na iyan, ito'y maguiguing isang paraan upangmaipailanglang ang dunong ng̃ mg̃a filipino. Dumatíng siya sapaniniwalang matáas ang pag-iisip sa pag-aaral ng̃ mg̃a tagalog cay samg̃a castila (ang iláng mg̃a castilang ng̃ panahóng yao'y canyángnakilala;) at canyáng sinsasabi ng̃ boong galác ang cadahilana'tdumatíng siyá sa ganitong paniniwalâ. Sa ganito'y canyángsinasabi:—Sa mg̃a colegio sa amin ay isinásaysay na lahát sa wicangcastila, catutubong wica ng̃ mg̃a castila, at wicang hindi naminkilalá; cayâ ng̃a't dahil dito'y kinakailang̃an naming magpumilit ng̃higuit cay sa canilá sa pagpiga ng̃ pag-iísip, upang maunawà atmaisaysáy ang isang bágay: at sa pagca't gaya ng̃a ng̃ sinabi co na,na walang nakikitang ipinagcacaibang anó man ng̃ mg̃a castilà at ng̃mg̃a indio sa mg̃a colegio, at yamang gayo'y matáas ang pag-iísipnamin cay sa canilá.—May pagmamasid pa siyáng guinawa, na sa canyá'ynagdagdag ng̃ pag-aalinlang̃an sa dating tagláy na niyá, tungcol sacataasan ng̃ pag-iísip ng̃ mg̃a castila. Guinawâ niya ang pagmamasíd,tungcol sa inaacála ng̃ mg̃a castilang silá'y may carapatán sa lalongmalalakíng paggalang at pagpapacumbaba ng̃ mg̃a indio, sapagca'tnaniniwála ang mg̃a itóng ang mg̃a mapuputì, dahil lamang sa sila'ymaputi, ay pawang ipinang̃anác sa isáng lúpang lalong magalíng cay salúpa ng̃ mg̃a indio. Napagtanto ng̃ panahóng iyón ni Rizal,na ang paggalang at pagpapacumbabang iyón ng̃ mg̃a indio sacastila—sa pagca't siyang itinuro ng̃ mg̃a castila sa mg̃aindio—ay hindi lamang dahil sa ipinalálagay na pawang galing silasa láhing matáas, cung di sa pagca't isang paraan upang maicublí angtacot at ang malabis na pag-ibig sa sariling catawán. Ang tacot, sapagca't sa tikís na pag-amís na sa canila'y guinágawâ, ipinalálagaynilang ang mg̃a mapuputî ay pang̃inoon nilá at siyáng sa canila'ynagmamay-ári; at ang malabis na sa canilang sarili'y pag-ibig,palibhasa'y caniláng napagkilala ang caugalian ng̃ mg̃a europeo atnapag-unawang dahil sa capalaluang taglay ng̃ mg̃a ito, aymakikinabang sila cung sila'y magpakita ng̃ paimbabáw napagpapacumbabâ, at gayon ng̃â ang canilang guinágawâ. Caya ng̃a'thindi kinalulugdan cahi't camunti man ng̃ mg̃a indio ang mg̃a europeo:nang̃agpapacumbaba cung naháharap sa canila, ng̃uni't pinagtatawanánsilá cung nang̃átatalicod, linílibac ang caniláng pang̃ung̃usap, athindi nagpapakita ng̃ cahit munting tandâ ng̃ paimbabáw na sa canila'ypaggálang. Dahil sa hindi nataróc ng̃ mg̃a castila ang túnay nacaisipán ng̃ mg̃a indio, samantalang napagtantong lubós ng̃ mg̃aindio ang tunay na caisipan ng̃ mg̃a castila, ipinalálagay niRizal na mahina ang pag-iísip ng̃ mg̃a mapuputi cay sacanyang mg̃a cababayan..... Nang siya'y panahong bata pa, cailan mangmarírinig ó mababasa niya ang pagpapalagay ng̃ mg̃a mapuputi sacanyáng láhi ay napopoot, napúpunô ang canyang púso ng̃ gálit;ng̃ayo'y hindi na nangyayari sa canya itó; sa pagca't cung náriríng̃igniyá ang gayón ding mg̃a pagpapalagáy, nagcacasiyá na lámang siyá sapagng̃iti at isinasaalaala niya ang casabiháng francés: "toutcomprendre, c'est tout pardonner.[5]"[IV]

Ang maílab na mithî ni Rizal na mapaunlacán ang canyáng láhîang siyáng totoong nacapag-udyóc sa canyá sa pagsusumakit sapag-aaral hangáng sa canyáng tamuhín ang lubháng maningníng atmaraming mg̃a pangulong ganting pálà ng̃ colegio, na sino ma'y walángnacahiguít.

Dinalá si Rizal ng̃ canyáng casipagan hangáng sa magsanay saescultura[6] ng̃ waláng nagtutúrò.

Ng̃ panahóng iyó'y gumawâ siyá ng̃ isáng magandáng larawan ng̃ VirgengMaría, na ang guinamit niyá'y ang matigás na cahoy na baticulíng atang ipinag-ukit niya'y isang caraniwang cortaplumas lámang. Nangmakita ng̃ canyáng mg̃a maestrong párì ang cahang̃ahang̃ang larawangiyán ay tinanóng nilá siyá cung macagagawâ namán ng̃ isáng larawan ng̃mahál na púsò ni Jesús; napaoo siyá, at hindî nalaon at canyang niyárìat ibinigáy sa nagpagawâ sa canyá, na totoong kinalugdan ding gaya ng̃una.

Nang ica 5 ng̃ Diciembre ng̃ taóng 1875 ay kinathà niya at binasa saisáng malakíng cafiestahan sa Ateneo ang isang tulâ, na pinuri ng̃lahát, na ang pamagat ay El Embarque (Himno á la flota deMagallanes.)[7]

Nag-aaral siyá ng̃ icalimáng taón ng̃ bachillerato sa Ateneo Municipalng̃ cathain niyá ang isang tulâ na canyáng pinamagatáng: Por laeducación recibe lustre la Pátria.[8]

Ng̃ bahagyà pa lamang tumutuntong siya sa icalabíng anim na taónggulang ay nagtamó siyá ng̃ títulong Bachiller en Artes.

Nárito ang talaan ng̃ canyáng mg̃a pinag-aralan mulâ ng̃ taóng 1877,at ang mg̃a tinamó niyang calificación:

1871-1872. AritméticaSobresaliente
1872-1873. Latín unang taónSobresaliente
1872-1873. CastellanoSobresaliente
1872-1873. GriegoSobresaliente
1873-1874. Latín, unang taónSobresaliente
1873-1874. CastellanoSobresaliente
1873-1874. GriegoSobresaliente
1873-1874. Geografía UniversalSobresaliente
1874-1875. Latín, tercer cursoSobresaliente
1874-1875. CastellanoSobresaliente
1874-1875. GriegoSobresaliente
1874-1875. Historia UniversalSobresaliente
1874-1875. Historia ng̃ España at FilipinasSobresaliente
1874-1875. Aritmética at AlgebraSobresaliente
1875-1876. Retórica at PoéticaSobresaliente
1875-1876. FrancésSobresaliente
1875-1876. Geometría at TrigonometríaSobresaliente
1875-1876. Filosofía, unang taónSobresaliente
1876-1877. Filosofía, icalawang taónSobresaliente
1876-1877. Mineralogía at QuímicaSobresaliente
1876-1877. FísicaSobresaliente
1876-1877. Botánica at ZoologíaSobresaliente
Bachiller en Artes ng̃ 14 ng̃ Marzo ng̃ 1877Sobresaliente
Decorative motif
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 ... 22
Comments (0)
reload, if the code cannot be seen
Free online library ideabooks.net